^

Metro

Scammer sinamantala pagkamatay ng 3 mag-uutol sa sunog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dismayado ang pamilya ng tatlong magkakapatid na babae na nasawi sa sunog kama­kailan sa Sta. Mesa, Maynila matapos na samantalahin pa ng mga scammer ang pagkakataong makapanloko at magkapera.

Sa media interview sa ina ng mga biktima, kinumpirma nito na nakatanggap sila ng ulat na may mga taong nagpapanggap na tatay ng kanyang mga anak at nanghihingi ng pera sa ibang tao, sa pamamagitan ng mobile wallet.

Kaugnay nito, umapela ang ginang sa mga naturang scammer na lumaban ng patas at huwag nang gamitin ang trahedyang pinagdaraanan nila upang makapanloko.

“Nagpanggap na tatay sila ng mga anak ko... Sana lumaban ka ng patas, wag mong gamitin ung kahinaan ng ibang tao para sa sarili mong kapakanan,” anang ginang.

Matatandaang dakong alas-5:12 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa tahanan ng mga biktima na matatagpuan sa Guadalcanal St., sa Sta. Mesa noong Martes.

Dahil natutulog, hindi na umano nakalabas ng tahanan ang mga biktimang nagkaka-edad lamang ng 7, 10 at 16 taong gulang.

Tinangka pa umano ng ginang na iligtas ang mga anak ngunit pini­gilan na siya ng mga kapitbahay na bumalik pa sa tahanan dahil sa matinding usok.

Ayon sa mga opisyal ng barangay, kulob ang bahay at walang bintana kaya’t walang madaanan ang usok palabas kaya’t maging mga bumbero ay nahirapang pasukin ito.

Umabot lamang naman ang sunog sa unang alarma bago tuluyang naideklarang fire out dakong alas-5:58 ng hapon.

Masusi pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy.

STA. MESA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with