Sa halip na 8-5pm7-4pm pasok sa gobyerno irerekomenda ng MMDA

MANILA, Philippines — Irerekomenda ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-adjust ng mas maaga ang pasok sa lahat ng national government agencies (NGAs) sa National Capital Region (NCR) sa ilalim ng adjusted working hours na ipinatutupad ng local government units na mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

Sakaling maaprubahan ang rekomendasyon, sinabi ni MMDA Chairman Don Artes na makatutulong ito para matugunan ang matinding trapiko at pagsisikip sa Metro Manila.

Isinaalang-alang aniya, sa pagrekomenda sa Pangulo na i-adapt din sa NGAs ang ipinatupad ng LGUs dahil sa nakitang  malaking improvements sa travel time ng sasakyan at mga empleyado. Ang adjusted working hours sa LGUs na 7:00-4:00 ay batay sa resolusyon na naipasa ng Metro Manila Council (MMC).

“Siguro makakatulong ‘yan mapabawas lalo na sa public transport. Imagine mo, 500,000 ‘yung mga empleyado. Makakaiwas na sila sa pagsabay doon sa ibang bumabyahe. Dapat matapos ‘yung recommendation bago masimulan ‘yung rehabilitation ng Edsa,” ani Artes.

Sa pulong ng MMC, natalakay na ang tinata­yang 223,508 kawani ng gobyerno na gumagamit ng public transportation ang makakabawas sa rush hour kung ‘di sasabay sa mga manggagawa ng pribadong sektor.

Lumalabas din na nasa 37.15% ng mahigit 473,500 national government employees sa NCR ang gumagamit ng pribadong sasakyan sa tuwing rush hour.

Show comments