LRT-1 project maaantala sa Las Piñas flyover

MANILA, Philippines — Karagdagang isang bilyong piso na pondo ang kailangan para matuloy ang tatlo pang istasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) mula Las Piñas City patungong Niog sa Bacoor, Cavite, ito ay ayon kay Las Piñas Councilor Mark Anthony Santos.

Una ng naantala ng halos tatlong taon ang pagbubukas ng Phase 1 ng LRT-1 Cavite Extension sa limang bagong istasyon: Redemptorist-Asea­na, MIA Road, PITX, Ninoy Aquino Avenue, at Dr. Santos sa Parañaque, ng dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang proyekto na may halagang P64.92 billion ay isang public-private partnership (PPP) sa pagitan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) at ng pamahalaan ay binuksan sa lamang publiko noong Nobyembre 2024 matapos maantala.

Subalit, ang pagbubukas ng Phase 2 na sumasaklaw sa natitirang tatlong istasyon mula Las Piñas hanggang Niog ay maantala rin ng halos tatlo hanggang limang taon, ayon sa Department of Transportation (DoTr).

Ayon kay DoTr Secretary Jaime Bautista, maaaring maghintay ng mas matagal ang mga commuter bago sila makabiyahe sa Cavite nang mas mabilis sa pamamagitan ng LRT-1 dahil kailangan ng gobyerno na muling idi­senyo ang extension para maresolba ang conflict sa proyekto.

Sinabi ni Bautista na hindi na maaaring tumakbo ang extension ng tren sa orihinal nitong alignment dahil gumawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH)ng flyover sa isang segment kung saan dapat itatayo ang riles.

Ang 680-meter flyover na sa Quirino Highway sa Las Piñas ay nagdurugtong sa kontrobersyal na Circumferential Road 5 (C-5) ay proyekto ni dating DPWH Secretary at kasakulkuyang senador Mark Villar.  Binuksan ang flyover para sa mga motoring public Abril noong isang taon.

Sinabi pa ni  Santos, isang mataas na opisyal ng DOTr din ang nagsabi sa kanya na kailangan ng project proponent at ng gobyerno na maglabas ng malaking halaga na aabot sa isang bilyon piso para maitama ang disenyo ng mga poste ng istasyon bukod pa sa problema na  kinasasangkutan ng right-of-way (ROW).

Show comments