10 pulis sa P6.7 bilyong drug bust arestado!
MANILA, Philippines — Nasa kustodiya na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang 10 sa 29 na mga aktibo at dating mga pulis na sangkot sa ‘moro-morong’ P6.7 bilyong drug sa Maynila noong taong 2022.
Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, sa 10 na sangkot siyam ang naaresto habang isa naman ang boluntaryong sumuko.
Ang 10 na sa kustodiya ng PNP ay kinabibilangan ng apat na patrolman, isang police executive master sergeant, isang senior master sergeant, isang lieutenant, isang police captain, isang police major at isang lieutenant colonel.
Mas pinaigting pa ng PNP ang paghahanap sa 19 na iba pang mga dawit sa kontorbersiyal na 2022 drug operation.
Kaugnay nito, pinamamadali na ni PNP chief General Rommel Francisco Marbil kay Chief of Directorial Staff Police Major General Edgar Alan Okubo, ang pagbuo ng isang task force na tutugis sa mga ipinaaarestong pulis matapos na maglabas ng warrant of arresta ng Manila Regional Trial Court laban sa mga sangkot na pulis sa 990 kilos shabu na nakuha mula kay PMSG Rodolfo Mayo, Jr. at Nelly Atadero.
Ang mga pulis ay kinasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 bunsod ng pag-aantala ng prosecution at planting of evidence.
Sinabi ni Marbil na walang kapatawaran ang ginawa ng mga sangkot na pulis dahil dinungisan ng mga ito ang pangalan at imahe ng PNP.
Ani Marbil, puspusan ang ginagawang paglilinis ng PNP subalit pilit naman itong dinudungisan ng iilang mga pulis.
- Latest