MANILA, Philippines — Pinaaaresto ng Manila Regional Trial Court ang 29 na pulis na sangkot sa P6.7-B drug haul noong 2022 sa WPD Lending sa Tondo, Maynila.
Kabilang sa mga pinaaaresto ay sina PLt.Gen. Benjamin D. Santos, Jr.; PBGen. Narciso D. Domingo; PCol. Julian T. Olonan; PLt.Col. Dhefry A. Punzalan; PLt. Jonathan G. Sosongco; PMSG Carlos C. Bayeta; Pat. Hustin Peter A. Guiar; Pat. Rommer I. Bugarin; Pat. Hassan O. Kalaw; Pat. Dennis L. Carolino; PCpl. Joshua Ivan Baltazar; Pat. Nathaniel Gomez, PLt. Ashrap T. Amerol; PSMS Jerrywin H. Rebosora; PSMS Marian E. Mananghaya; PMSG Lorenzo S. Catarata; PSSG Arnold D. Tibay; PCol. Arnulfo G. Ibanez; PLt.Col Glenn Gonzalez; PMaj. Michael Angelo C. Salmingo; PLt. Randolph A. Pinon; Pat. Mario M. Atchuela; Pat. Windel C. De Ramos; PLt. Silverio P. Bulleser II, PCMS Emmanuele E. Docena; PMSG Alejandro F. Flores; PCpl. Jhan Roland L. Gelacio; Pat. James G. Osalvo at Pat. Darius R. Camacho.
Inirekomenda naman ang piyansa na P200,000 bawat isa.
Batay sa inilabas na warrant of arrest ni Manila RTC Branch 44 Judge Gwyn Calina, ang 29 na pulis ay kinasuhan ng paglabag sa Section 91 of Republic Act No. 9165, the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Inantala at nililihis umano ng mga pulis ang ebidensiya na nakuha mula kina MSgt. Rodolfo Mayo at isang Nelly Atadero. Lumilitaw na pinagparte-partehan umano ng mga pulis ang nasabat na droga na unang sinasabing umaabot sa 1 tonelada hanggang sa maging 990 kilos na lamang
Nakasaad din sa utos ng korte na kailangang nakasuot ng body-worn camera at isang alternative recording devices ang magsisilbi ng warrant upang dokumentado ang lahat ayon na rin sa “Rules on the Use of Body-Worn Cameras in the Execution of Warrants (A.M. No. 21-06-08-SC) issued by the Supreme Court and which became effective on 1 August 2021.”
Nahaharap din ang mga pulis sa kasong planting of evidence,na paglabag sa Section 29 of RA 9165.
Tiniyak naman ng PHP na paiigtingin nila ang paghahanap sa mga pulis upang papanagutin sa kaso.