Tandang Sora Day bill aprub na sa Kongreso

Ayon kay Quezon City 5th District Rep. PM Vargas, layon ng House Bill (HB) 5850 na magbigay inspirasyon at pagkilala ang lahat ng mga kababaihan na gumanap ng malaking papel na lilikha ng magandang kaganapan sa pag-unlad ng bansa.
Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Lusot na sa Kongreso ang panukalang batas na kumikilala sa kabayanihan ni Melchora Aquino o mas popular na kilala bilang si Tandang Sora kung saan idedeklara ang Enero 6 kada taon bilang special working holiday sa Quezon City sa paggunita sa kapanganakan ng isa sa mga bayani na nagbuwis ng buhay para sa bansa.

Ayon kay Quezon City 5th District Rep. PM Vargas, layon ng House Bill (HB) 5850 na magbigay inspirasyon at pagkilala ang lahat ng mga kababaihan na gumanap ng malaking papel na lilikha ng magandang kaganapan sa pag-unlad ng bansa.

“This is a momentous occasion that will remind us the martyrdom and sa­crifices of Tandang Sora, who is a key figure in the liberation of our country. As a Novaleño, I could not be any prouder that her heroism took place in my beloved district in Novaliches,” pahayag ni Vargas, isa sa mga pangunahing may-akda sa panukalang batas na kumikilala kay Tandang Sora bilang “Mother of the Revolution “.

Batay sa record ang Novaliches ay nagsisilbing tahanan ng “Katipunan Tree’ o ang puno ng duhat kung saan sinimulan ni Tandang Sora ang pagpapaangat at pagkilala sa mga Katipuneros na may mga sakit at sugatan kabilang si Apolinario Mabini noong panahon ng digmaan mahabang panahon na ang nakalilipas.

“Tandang Sora’s courage and motherly love live on,” ang sabi pa ni Vargas.

Show comments