MANILA, Philippines — Hinikayat ng Quezon City Local government ang mga kandidato na huwag samantalahin at huwag gamitin ang mga okasyon tulad ng mga fiesta upang makapagkabit ng campaign materials sa lungsod.
Ayon kay Ret Gen Elmo San Diego, hepe ng Department of Public Order and Safety ng QC LGU, bawal ang pagpapaskil ng mga tarpaulin ng mga kandidato alinsunod sa umiiral na local ordinance SP-2021-s-2020 hinggil dito.
Nitong Martes, higit 200 tarpulin ng mga kandidato ang nabaklas sa kahabaan ng Corregidor at Ilocos Sur Street sa Bago Bantay at Scout Torillo sa Kamuning.
Ani San Diego na lubhang delikado para sa mga motorista ang mga tarpulin na nakakabit sa hindi tamang lugar bukod sa maaari itong pagmulan ng sunog at sa halip ay sa mga designated common poster areas lamang ilagay ang kanilang campaign materials.