12 Chinese timbog sa POGO hub, 5 Pinoy huli rin sa panunuhol sa NBI agents

Sa pulong-balitaan nitong Martes, iniharap ng NBI-Cybercrime Division (CCD) at  NBI-Special Task Force (STF), sa pangunguna ni Director Judge Jaime B. Santiago ang mga inarestong sina Xu Chao, Meng Wei Shi, Xing Chao, Quin Hai Feng, Li Xiang Hua, Zhang Wei, Wang Qin Xiang, Wang Jia Fa, Jiang Qi Long, Luo Shang Fen, Qixin Wang at Chen Jiang Song, na pawang isinailalim na sa inquest proceedings sa Parañaque City Prosecutor’s Office sa paglabag sa Compu­ter-Related Forgery sa ilalim ng Section 4(b)(1) ng Republic Act 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012); Social Engineering Schemes sa ilalim ng Section 4(b)(1), at Economic Sabotage sa ilalim ng Section 4(c)(1) ng R.A 12010 ( Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) na may kaugnayan sa R.A. 10175.
STAR/File

MANILA, Philippines — Huli sa akto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) ang 12 Chinese nationals na nagsasagawa ng scamming activities sa Parañaque City, na nasundan pa ng pag-aresto sa limang   Pinoy na nagbitbit ng bribe money upang pakawalan ang mga dayuhan, sa mismong NBI headquarters, sa Pasay City,  nitong Enero 10, 2025.

Sa pulong-balitaan nitong Martes, iniharap ng NBI-Cybercrime Division (CCD) at  NBI-Special Task Force (STF), sa pangunguna ni Director Judge Jaime B. Santiago ang mga inarestong sina Xu Chao, Meng Wei Shi, Xing Chao, Quin Hai Feng, Li Xiang Hua, Zhang Wei, Wang Qin Xiang, Wang Jia Fa, Jiang Qi Long, Luo Shang Fen, Qixin Wang at Chen Jiang Song, na pawang isinailalim na sa inquest proceedings sa Parañaque City Prosecutor’s Office sa paglabag sa Compu­ter-Related Forgery sa ilalim ng Section 4(b)(1) ng Republic Act 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012); Social Engineering Schemes sa ilalim ng Section 4(b)(1), at Economic Sabotage sa ilalim ng Section 4(c)(1) ng R.A 12010 ( Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) na may kaugnayan sa R.A. 10175.

Nabatid na Noong Enero 8, humingi ng assistance ang BI sa NBI-CCD at NBI-STF para sa mission order hinggil sa mga dayuhang nagtatrabaho sa Ri Rance Corporate Center II, Aseana City, sa  Tambo, Parañaque City, para sa paglabag sa Philippine Immigration Act. Nang ipatupad ang mission order, habang nagsagawa ng beripikasyon ang BI officers sa pagkakakilanlan ng mga banyaga, naaktuhan ng mga ahente ng NBI ang operasyon ng scam hub, kung saan abala ang mga dayuhan sa scamming activities.

Nakita sa mga nakabukas na desktop ang love scam scripts, messaging applications na may fictitious accounts, bank accounts at fraudulent cryptocurrency scams, at fake investment schemes.

Nang pabalik na sa NBI ang mga operatiba, nilapitan umano ng isang Ezechiel Bernales, Filipino-Chinese, na nagbo­luntaryong interpreter, at nagsabi na handang magbigay ng sina Wang Qin Xiang at Qixin Wang ng tig P300,000.00 sa bawat nadakip na kababayan nila.

Agad ikinasa ang entrapment at bandang hapon nang dumating sa 2nd floor ng NBI parking lot ang tatlong sasakyan at nag-abot ang isa sa driver ng eco bag na naglalaman ng 900,000.00, kaya agad na dinakip sina Robustiano Hizon,John Abunda Villanueva Kristoffer Ryan Habelito Baguna at Hanif Mala Bautil.

Sinampahan naman ng reklamong Corruption of Public Officials  sa ilalim ng  Article 212 ng RPC ang 5 Pinoy sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Show comments