^

Metro

Maling bangkay naiuwi sa pamilya ng OFW na namatay sa Kuwait

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naglunsad na ng imbestigasyon ang Department of Migrant Workers (DMW) tungkol sa maling bangkay na naipadala sa pamilya ng OFW na namatay sa Kuwait.

Napalitan ng galit ang paghihinagpis ng pamilya ng OFW na si Jenny Alvarado, na pumanaw noong Enero 2, nang madiskubre nila sa isang punerarya sa Montalban, Rizal na maling bangkay ang naipadala sa kanila.

Ayon naman sa Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega, isang bangkay na pinaniniwalaan na mula sa Nepal ang dumating sa bansa, sa halip na ang mga labi ni Alvarado at humingi na ng paumanhin sa nangyari si DMW Secretary Hans Cacdac.

Samantala, nagtu­ngo si Overseas Wor­kers Welfare Administration (OWWA) administrator Arnell Ignacio sa pamilya ni Alvarado sa Rizal nitong Lunes, at tiniyak niya na gagawin ng pamahalaan ang lahat para maiuwi sa bansa ang mga labi ng kanilang mahal sa buhay.

Magugunita na si Alvarado ay nalason dahil sa coal suffocation mula sa heating system sa kaniyang pinagtatrabahuan sa Kuwait noong Enero 2.

OFW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with