Gasolina, diesel sisirit ulit ngayong araw

Ito ay makaraang ianunsyo ng Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. na itataas nila mula ngayong martes ang presyo ng kanilang produktong gasolina at kerosene nang 80 centavos kada litro samantalang 90 centavos ang taas sa kada litro ng diesel.

MANILA, Philippines — Muli na namang sisirit ngayong martes ang ­presyo ng mga produktong petrolyo.

Ito ay makaraang ianunsyo ng Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. na itataas nila mula ngayong martes ang presyo ng kanilang produktong gasolina at kerosene nang 80 centavos kada litro samantalang 90 centavos ang taas sa kada litro ng diesel.

Inanunsyo rin ng kompanyang Cleanfuel at Petro Gazz na ganito rin ang kanilang ipapatupad na pagtaas sa presyo ng produktong gasolina at diesel maliban sa kerosene dahil wala sila nito.

Ang oil price adjustments ay epektibo alas sais ngayong umaga ng martes Janauary 14 maliban sa Cleanfuel na alas 4:01 ngayong hapon ang implementasyon ng taas presyo sa petrolyo.

Sinasabing ang nagdaang apat na araw na presyuhan sa mga produktong petrolyo sa merkado ang ugat ng oil price hike.

Show comments