Crime rate sa Quezon City, bumaba ng 21.97 porsyento
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Quezon City Police District (QCPD), Director, PCol. Melecio M Buslig Jr., na magtutuluy-tuloy ang pagbaba ng bilang ng krimen sa lungsod matapos na bumaba ng 21.97 porsiyento ang crime rate nitong 2024.
Ayon kay Buslig, 2,367 ang crime incident na naitala noong 2023 habang 1,847 naman nitong 2024, kung saan nabawasan ng 520 insidente o 21.97 porsyento.
Ang pagsusuri ay nagpapakita ng malaking pagbaba sa ilang kategorya ng krimen: ang mga pisikal na pinsala ay bumaba mula 197 hanggang 154 na kaso (-21.83%); bumaba ang mga insidente ng panggagahasa mula 363 hanggang 274 na kaso (-24.52%); bumaba ang robbery mula 415 hanggang 254 na kaso (-38.80%), at ang pagnanakaw ay bumaba mula 1,088 hanggang 844 na kaso (-22.43%). Bukod pa rito, ang mga pagnanakaw ng motorsiklo ay nagpakita ng bahagyang pagbaba mula 154 hanggang 151 kaso (-1.95%).
Sa datos ng QCPD, bumaba ang kaso ng physical injuries mula 197 sa 154 cases (-21.83%); rape mula 363 sa 274 (-24.52%); robbery mula 415 sa 254 (-38.80%), at theft mula 1,088 sa 844 (-22.43%).
Dahil dito, nakamit ng QCPD ang Crime Clearance Efficiency (CCE) rate na 99.62%.
Dagdag ni Buslig, malaking tulong ang walang patid na suporta ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga proyekto at kampanya laban sa kriminalidad ng QCPD.
- Latest