5K pulis ipinakalat sa INC rally
MANILA, Philippines — Umaabot sa halos 5,000 mga pulis at iba pang security personnel ang ipinakalat sa isasagawang peace rally ngayong araw ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand.
Ayon kay National Capital Region Police Office chief Brig. Gen. Anthony Aberin, ang 4,418 ay itatalaga sa paligid at maging sa mga ruta na maaapektuhan ng pagsasara ng ilang mga lugar.
Nakipag-ugnayan na rin sila sa pamunuan ng Iglesia Ni Cristo.
Nabatid kay Aberin na simula alas-4 ng umaga ngayong araw ay isasara na ang mga kalsada para sa National Rally for Peace.
Tiniyak din ng PNP na sapat ang seguridad sa iba pang sangay ng INC sa buong bansa.
Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes na inaasahang may isang milyon ang makikilahok sa peace rally kaya magdedeploy ng 1,300 personnel at ipatutupad ang no day-off, no absent policy simula gabi ng Enero 12.
- Latest