^

Metro

Tulak’ na rider nanagasa ng pulis ng Oplan Sita, kalaboso

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Swak sa kulungan ang isang rider matapos na takasan ang Oplan Sita at sagasaan ang isang pulis kahapon sa Caloocan City.

Batay sa report na tinanggap ni Northern Police District (NPD) Director Col. Josefino Ligan, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng NPD-District Mobile Force Battalion (MDFB) sa Alat Bridge, Quirino Highway, Brgy. 185 nang parahin nila ang isang 59 anyos na rider dahil sa pagmamaneho ng motorsiklo ng walang suot na helmet dakong alas-2:45 ng madaling araw.

Sa halip na huminto, pinaharurot ng suspek ang minamanehong motorsiklo patungo sa kinatatayuan ni Cpl Ofalia.

Nabagyang nakaiwas si Ofalia subalit, nahagip pa rin ito.

Sumemplang ang rider nang bumangga sa karatula ng Oplan Sita matapos mawalan ng kontrol sa manibela na dahilan upang tumilapon at kumalat sa kalsada ang laman ng dala niyang sling bag.

Nang suriin ng pulisya ang nagkalat na laman ng bag, natuklasan ang halagang P2,500 cash at anim na plastic sachet na naglalaman ng 28 gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P190,400.00 habang pinosasan naman ang 59-anyos na suspek.

Pinuri naman ni Col. Ligan ang pagiging alisto at mapapagmatyag ng pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

CALOOCAN CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with