^

Metro

‘Utak’ sa pagdukot at pagpatay sa negosyante, timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
‘Utak’ sa pagdukot at pagpatay sa negosyante, timbog
Sinabi ni QCPD Director PCol. Melecio Buslig, Jr. na agad na nagsagawa ng follow up operation ang Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa pangunguna ni Major Dondon Llapitan  sa isang fastfood chain sa Wack Wack, Mandaluyong City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Victor Vidal Dueñas, 62, alyas John Paul Dwight at residente ng Ayala Alabang, Muntinlupa City.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

Sabit din sa Ruby Rose Barrameda murder case

MANILA, Philippines — Nadakip na rin ng mga operatiba ng Que­zon City Police District (QCPD) ang umano’y utak sa pagdukot at pagpatay sa isang negos­yante noong nakaraang linggo sa isang fastfood chain sa Mandaluyong City nitong Biyernes.

Sinabi ni QCPD Director PCol. Melecio Buslig, Jr. na agad na nagsagawa ng follow up operation ang Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa pangunguna ni Major Dondon Llapitan  sa isang fastfood chain sa Wack Wack, Mandaluyong City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Victor Vidal Dueñas, 62, alyas John Paul Dwight at residente ng Ayala Alabang, Muntinlupa City.

Si Duenas ang iti­nuturong mastermind ng mga suspek na sina Noli Cape, 29 at Mervin Armas, 44, na una nang nahuli ng mga pulis sa harap ng Rubber Vulcanizing Shop matapos na buntutan ng mga operatiba.  

Nabatid na nakatanggap ng tawag si Cape mula kay Duenas at nagkasundo na ibibigay ang kabuuang bayad sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si William Pascaran, Sr., 62.

Sinakal at pinatay ang biktima habang nakaposas ang mga kamay saka isinako at inilibing ng mga suspek sa isang bakanteng lote sa Barangay Minuyan Proper, San Jose Del Monte, Bulacan.

Ibinunyag ni Cape na inutusan sila ni Duenas na imonitor ang kilos ng biktima at magpanggap na buyer ng mga isdang tilapia.

Nais din umano ni Duenas na makuha ang titulo ng lupa ng fish farm ng biktima. Suba­lit nang hindi maibigay ng biktima inutos na ni Duenas na patayin ang biktima at dalhin sa ibang lugar. Sinisilip din ng pulisya ang umano’y pagiging land grabber ng ni Duenas.

Ayon naman sa pulisya gawain umano ni Duenas na mangidnap at magpapatay sa oras na wala na siyang mapapakinabangan.

Si Duenas ay positibong ring itinuro ng aktres na si Rochelle Barrameda na suspek sa pagpatay sa kanyang kapatid na si Ruby Rose Barrameda noong  2007. Pinatay at isinilid umano ni Duenas ang katawan ni Ruby Rose sa drum at inilubog sa ilog sa Navotas City.

Subalit ayon kay Rochelle kilala niya si Duenas bilang Lope Jimenez na isang fishing magnate. Si Duenas na alyas John Paul Dwight at Lope Jimenez ay tiyuhin ng asawa ni Ruby Rose na si Manuel Jimenez, III.

Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang tunay na motibo ng pamamaslang sa biktimang si Pascaran habang patuloy ang  mahunt laban kina alyas Jonel, alyas Jervin at alyas Jerwin.

ARRESTED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with