85 motorista huli ng LTO sa paggamit ng wasak na gulong ng sasakyan
MANILA, Philippines — Kasabay ng kampanya sa road safety rules operation, nakahuli ang mga elemento ng Land Transportation Office (LTO) ng 85 motorista kabilang na ang 22 driver dahil sa paggamit ng wasak na gulong ng kanilang mga sasakyan mula January 7 hanggang January 8 sa ibat ibang bahagi ng Metro Manila
Ayon kay LTO Chief Vigor D. Mendoza II na sentro ng operasyon ang mga trak at mga pampasaherong sasakyan na karaniwang nasasangkot sa mga nagdaang aksidente sa lansangan.
Sa kanyang report kay Mendoza, iniulat ni Director Eduardo De Guzman ng LTO-Law Enforcement Service, karamihan sa mga nahuling sasakyan na sira ang gulong ng mga sasakyan ay mga truck driver.
“We will sustain these operations in order to ensure the compliance of all motorists. It is important that our personnel are visible on the ground because they compel erring motorists to behave,” dagdag ni Mendoza.
Kaugnay nito, muling nanawagan sa mga motorista si Mendoza na maging disiplinado sa pagmamaneho at sundin ang tamang mga regulasyon hinggil sa Land Transportation Laws.
- Latest