Comelec hiniling na magsagawa ng ‘Operation Baklas’ sa Las Piñas

Nauna rito, hinimok ni Santos ang Comelec na buhayin ang Committees on Kontra Bigay at posibleng pagsasampa ng petition for disqualification at election offense cases laban sa mga kandidatong sangkot sa laganap na vote-buying bago pa man ang May midterm elections.

MANILA, Philippines — Hiniling kahapon ni Las Piñas Councilor Mark Anthony Santos sa Commission on Elections (Comelec) na agad magsagawa ng ‘Operation Baklas’ sa lungsod matapos lumaganap ang mga tarpaulin at iba pang election materials na nakapaskil sa mga ipinagbabawal na lugar.

Nauna rito, hinimok ni Santos ang Comelec na buhayin ang Committees on Kontra Bigay at posibleng pagsasampa ng petition for disqualification at election offense cases laban sa mga kandidatong sangkot sa laganap na vote-buying bago pa man ang May midterm elections.

Nakiusap si Santos sa pamunuan ng Comelec at sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na magtalaga ng mga tauhan para sa pagtanggal ng mga ilegal na campaign materials tulad ng tarpaulin, billboards at sign boards sa mga hindi awtorisadong lugar.

Maaari lamang magkabit ng mga campaign poster sa mga pribadong lugar o gusali kung may pahintulot may-ari, at dapat hindi lalagpas sa sukat na 3 x 8 talampakan ang mga gagamiting streamers at 2x3 talampakan naman sa tarpaulin.

“Ngayong 2025 election, maraming kandidato sa aming lungsod ang kulang sa pansin o KSP dahil maraming negative issues laban sa kandidato lalo na ang problema sa political dynasty. Kaya dinaraan nalang sa election materials para bumango muli,”  paliwanag ng konsehal.

Hinimok ni Santos ang publiko na isumbong sa kanila o kaya’y ipadaan sa social media nito ang mga reklamo sa naglipanang campaign materials na hindi sumusunod sa sukat at nakakabit sa maling lugar.

Show comments