^

Metro

Barangay officials, SK pinakikilos sa gunban sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inatasan ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang mga barangay officials na mahigpit  na pababantayan ang lahat ng sulok ng lungsod bilang pagsuporta sa pinaiiral na gunban ng Commission on Elections (Comelec) at ng Manila Police District (MPD) simula alas-12:00 ng madaling araw ng ­Enero 12 hanggang Hunyo 11, 2025.

“Inaatasan ko lahat ng barangay chairman, mga kagawad, at mga tanod na maging force multiplier ng ating kapulisan at tiyaking gu­magana nang maayos at malinaw ang kuha ng lahat ng CCTVs at dashcams ng response vehicles,” ani Lacuna-Pangan.

Iginiit niya na dapat ay bantay-sarado lahat ng main city border roads para hindi makapasok sa Lungsod ng Maynila lahat ng mga dayong kriminal at hindi rin makalabas ang sinumang mahuhuling la­labag sa gun ban.  Aniya, hindi dapat maabuso o alinsunod sa Philippine National Police at Commission on Human Rights standards ang bawat checkpoint sa Maynila. May sapat na liwanag ang  lugar, may name plate ang mga pulis, at may angkop na respeto sa kanilang mga pinapara. Alisto rin dapat ang mga tanod sa mga tatakas sa checkpoint.

Ang mga bodycams ng MPD ay dapat naka­suot at gumagana para recorded ang mga inspeksyong may kinalaman sa gun ban, aniya pa.

“Walang exempted. Walang palakasan. Walang pakiusap. Ipatutupad ang batas sa gun ban at sa wastong search, wastong seizure, at wastong warrantless arrests,” paliwanag niya.

Pinayuhan din niya ang mga motorista na sigu­ruhing gumagana dash cams at helmet cams, bilang proteksyon laban sa mga ‘scalawags’.

Pinulong niya rin ang mga Barangay at SK officials na tiyaking nasa ayos at disiplinado ang mga grupo ng kabataan sa kanilang nasasakupan.

Nagbabala rin sa mga kabataan partikular sa mga ‘gang’ na sila ay sisitahin sa MPD checkpoints at huwag maging pasaway.

Nagbilin din siya sa mga opisyal ng mga eskwelahan lalo na sa high schools na magpatupad ng child protection policy at security inspections sa campus at sa pa­ligid nito at tiyakin na may mga nakabantay na  mga tanod at MTPB traffic enforcers.

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with