Pinay drug mule, naharang sa P24 milyong cocaine sa NAIA
MANILA, Philippines — Arestado ang isang Pinay drug mule matapos na makuhanan ng nasa P24 milyong halaga ng cocaine ng mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport Inter Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA IADITG) sa NAIA Terminal 3, Pasay City, Miyerkules ng gabi.
Batay sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office National Capital Region, dumaan sa scanner ang 29-anyos na suspek nang mapansin ng Bureau of Customs X-ray inspector, kahina-hinalang bagahe kaya agad na isinailalim sa K9 inspection.
Dinala sa Custom Exclusion Room, International Arrival Area, NAIA Terminal 3, Pasay City ang suspek at tumambad ang nasa 4,574 gramo ng cocaine.
Ang suspek ay sakay ng Ethiopian Airlines mula sa Sierra Leone, West Africa na may connecting flight sa Addis Ababa, Ethiopia patungong Manila.
Dagdag pa rito, nakumpiska rin sa suspek ang mga cellular phone, travel documents, at identification card sa operasyon.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 4 of Art ang naarestong suspek. II ng RA 9165, na nauukol sa Importation of Dangerous Drugs na may parusang habambuhay na pagkakakulong at multang mula sa P500,000 hanggang P10 milyon.
- Latest