Moralidad ng mga uniformed personnel panatilihin – solon

MANILA, Philippines — Naniniwala si Manila 2nd District Rep. ­Rolando “CRV” M. Valeriano na dapat panatilihin ng  mga empleyado ng ­gobyerno, partikular ang mga uniformed services ang mataas na moralidad at pagpapahalaga ng pamilya.

Ang  pahayag ni Valeriano ay kasunod ng pagbibitiw ni  Senior Fire Officer 2 Reyca Janisa Palpallatoc, na kasalukuyang iniimbestigahan ang lisensya bilang registered nurse (RN) dahil sa alegasyon ng imoralidad.

Lumala ang isyu laban kay Palpallatoc matapos siyang ipaaresto ng Pasay City Regional Court dahil sa kasong illegal recruitment sa loob ng Bureau of Fire Protection (BFP). Nagkaroon umano ng conflict of interest at integridad sa kanilang mga posisyon sa ahensya.

Ang reklamo ng imo­ralidad laban kay Palpallatoc ay isinampa ni Gng. Faizah Utuali sa Professional Regulation Commission (PRC) Board of Nursing noong Disyembre hinggil sa pagkakaroon umano ng una ng extramarital affair sa asawa ng huli, na isang dating Marine Officer.

Dagdag pa ni Valeriano na kasalukuyang  Chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na ang uniformed personnel, tulad ng mga nasa BFP, pulis, at militar, ay kailangang magsilbing mabuting halimbawa.

Show comments