^

Metro

Drug free barangay higit 29K na – PDEA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na umaabot na sa mahigit 29,000 ang drug free barangay sa buong bansa simula nang manungkulan si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Ayon sa PDEA, 29,390 barangays o 69.97 porsiyento ng mga bilang ng barangay ang malinis na mula sa mga illegal drugs at sumailalim sa Barangay Drug Clearing Program (BDCP).

Idineklarang drug-cleared ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC) matapos ang masusing deliberasyon.

Sinabi ng PDEA na malaking tulong ang pagbibigay ng respeto sa bawat indibiduwal at ang pagpapatupad ng whole-of-nation approach upang tulungang masawata ang illegal drugs sa bansa.

Sa kabila nito, nasa 6,113 barangay pa sa buong bansa o 14.55 percent ang nananatili ang illegal drug ope­rations. Pursigido pa rin ang PDEA na tutukan at masawata ang illegal drugs sa mga apektadong barangay.

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with