NCRPO chief ikinatuwa na walang intel officer na adik
MANILA, Philippines — Ikinatuwa ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director PBGen. Anthony Aberin na walang addict o user na intelligence officer na sumalang sa surprise region-wide drug testing na isinagawa noong Enero 3, 2025 sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Ayon kay Aberin, zero o walang nagpositibo sa kabuuang 2,264 na Intelligence officer na nagpa-drug test.
Sa lumabas na resulta, sinabi ni Aberin na mas lumalakas ang pagnanais na itaguyod ang integridad at propesyonalismo sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa zero-tolerance policy nito sa pagkakasangkot ng ilegal na droga sa kanilang hanay.
Bilang bahagi ng komprehensibong region-wide drug testing initiative na isinagawa noong Enero 3, 2025, sa NCRPO Hinirang Hall, Camp Bagong Diwa, Taguig City, 2,264 intelligence officers ang sumailalim sa surprise drug testing at lahat ng 2,264 na tauhan ay nagbunga ng negatibong resulta para sa ilegal na droga.
“Discipline among the ranks and compliance with the law that we are duty-bound to enforce are NCRPO’s battle cry in enforcing integrity and accountability. As I have always been mentioning, let us always do what is right and let us not involve ourselves into any illegal activity. NCRPO will remain committed to these basic principles as we dispense with our function of keeping the peace,” ani Aberin.
- Latest