Car-Free, Carefree Tomas Morato, tuloy - Quezon City LGU
MANILA, Philippines — Patuloy na ipatutupad ng Quezon City Government ang kanilang “Car-Free, Carefree Sundays” sa kahabaan ng Tomas Morato Avenue na layong maitaguyod ang active mobility at makalikha ng ligtas at open space para sa mga residente at bisita na makapag- enjoy sa kanilang recreational activities.
Sa ilalim ng Ordinance N. SP-3345, S-2024 na iniakda ni QC Councilor Irene Belmonte, ang bahagi ng Tomas Morato Avenue ay isasara sa vehicular traffic upang bigyang daan ang mga pedestrians, joggers at cyclists upang magkaroon ng isang active lifestyle, maibsan ang usok ng mga sasakyan at magkaroon ng isang malinis at luntiang urban environment.
Ang isasarang kalsada ay ang Tomas Morato Avenue mula Timog Avenue hanggang Don Alejandro Roces Avenue sa QC. Para sa re-routing ng mga motorista ay tingnan ang official Quezon City Government Facebook page para sa mga impormasyon sa bagong traffic scheme.
Ito ay may dalawang phase, ang Phase 1 ay ipatutupad tuwing 1st Sunday ng bawat buwan mula alas-6 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga, makaraan ang isang taon, ipaiiral naman ang Phase 2 kung saan ang naturang scheme ay ipatutupad tuwing linggo ng bawat buwan.
Binigyan diin naman ni Mayor Joy Belmonte na ang “Car-Free Sundays” ay patunay na pinahahalagahan ng city government ang kalusugan at buhay ng Citizen.
- Latest