‘Pahalik’ para sa Nazareno, handa na

Devotees flock to the Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno in Quiapo, Manila for the first Friday Mass of 2025.
Ryan The Philippine STAR/ Baldemor

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Nazareno 2025 at Quiapo Church spokesperson Fr. Robert Arellano kahapon na handa na ang lahat para sa idaraos na tradisyunal na ‘Pahalik’ sa Poong  Jesus  Nazareno sa Martes, Enero 7 sa Quirino Grandstand.

Ayon kay Arellano, natapos na nila ang preparasyon para sa  aktibidad kaya inaasahan na  mada­ling araw ng Martes ay nasa Quirino Grandstand na ang imahe para sa Pahalik.

Matatandaang ang ‘Pahalik’ ay tradisyon ng mga deboto kung saan pumipila sila upang hawakan o halikan ang imahe ng Nazareno.

Matapos ang ‘Pahalik’ isasagawa naman ang midnight mass bago simulan ang pinakaaabangang Traslacion.

Inaasahang dadaluhan ng milyun-milyong deboto ang Traslacion mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ni Arellano ang mga deboto na huwag akyatin ang Andas na sinasakyan ng imahe upang maiwasan ang disgrasya.

Binago ang disenyo ng Andas upang hindi matuntungan ng mga deboto.

Show comments