MANILA, Philippines — Arestado ang isang taxi driver nang matunugan ng mga awtoridad na may bitbit na iligal na droga at ‘di lisensyadong baril sa anti-criminality operation, Muntinlupa City, Huwebes ng gabi.
Kinilala ang suspek na si alyas Esteban, 44, na mahaharap sa reklamong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).
Sa ulat ng Muntinlupa City Police Station, alas-9:40 ng gabi ng Enero 2, nang magsagawa ng operasyon ang Intelligence Section bilang tugon sa intelligence reports na may lalaking may dala ng baril sa Old City Terminal, Barangay Alabang, Muntinlupa City.
Nang sitahin ang suspek, natuklasan ang dalang kalibre 38 na baril at 4 na bala na hindi lisensyado at nasamsam din ang nasa 100 gramo ng shabu na katumbas ng ?680,000.00.