^

Metro

Lalaki, 3 beses binaril sa ulo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang hel­per matapos na tatlong ulit na barilin sa ulo ng nakaalitang helper nitong Martes sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si alyas “Mac-Mac”, 24, binata, residente ng Bagong Silang, Caloocan City habang tugis naman ang suspek na si alyas Botong na mabilis na tumakas matapos ang  krimen.

Sa naantalang report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU- QCPD), bandang 7:10 ng umaga ng Disyembre 31, nang maganap ang insidente sa  Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PCpl Errika M. Casupanan, bago ang insidente nakita umano ang suspek na nagkakarga ng bala sa baril.

Makalipas ang ilang minuto biglang pinaputukan ng suspek ng tatlong beses sa ulo ang biktima. Bagamat duguan at nakabulagta na ang biktima ay nilapitan pa ito saka dalawang ulit na sinaksak saka kaswal na naglakad papalayo  sa crime scene.

Dinala ang biktima sa Novaliches District Hospital, ngunit hindi ito tinanggap kaya dinala sa Quezon City General Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival dakong 12:07 ng hapon, sanhi ng tinamong tatlong bala ng baril sa ulo at dalawang saksak sa likod

Nasamsam sa crime scene ng SOCO team sa pangunguna ni PCpt. Juvelyn Magay ng QCPD Forensic Unit ng mga basyo ng bala mula kalibre .38.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring insidente.

DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with