9 sunog sumiklab ngayong New Year’s Day
MANILA, Philippines — Siyam na sunog ang sumiklab sa Kalakhang Maynila sa kasabay ng pagsalubong sa Bagong Taon.
Subalit ayon kay BFP spokesperson Fire Superintendent Annalee Atienza, bineberipika pa rin ang report upang makuha ang bilang.
“So far, ang nakarating sa national headquarters na report, ay 1 incident. However, sa unofficial sa NCR ay we noted 9 fire incidents simula 12:17 [a.m.] hanggang 5:21 [a.m.],” ani Atienza.
Inaalam din ang sanhi ng mga sunog.
Nabatid na mas mababa ang bilang kumpara noong nakaraang taon.
Samantala, tatlo ang nasugatan sa sunog na sumiklab sa isang gusali sa Barangay Kamuning, Quezon City nitong Miyerkules ng umaga.
Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula umano ang sunog pasado alas-5 ng umaga (Enero 1) sa isang tatlong palapag na residential building sa kahabaan ng K-6th St., Quezon City.
Makalipas ang isang oras ay naapula ang apoy at hindi na kumalat pa sa mga katabing kabahayan.
- Latest