^

Metro

Caloocan LGU tututukan illegal firecrackers, maiingay na motorsiklo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ngayong araw ng pagsalubong sa Bagong Taon, mas pinatututukan ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa lahat ng mga opisyal at tanod ng barangay ang iligal na paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok tulad ng El Diablo, Judas’ belt, whistle bomb, baby rocket, sa pagsalubong ng 2025.

Ani Malapitan, ma­ging ang paggamit ng boga o improvised cannon ay ipinagbabawal din sa lungsod.

Ayon sa Malapitan, inatasan na rin nito ang Caloocan City Police Station (CCPS) na hulihin at patawan ng ka­rampatang parusa ang mga mahuhuling nagbebenta o gumagamit ng mga ipinagbabawal na paputok kabilang na ang boga.

Itu-turn-over naman sa City Social Welfare Development Department (CSWDD) ang mga menor-de-edad na makikitang gumagamit ng boga o paputok.

Kasama rin sa direktiba ng alkalde ang pagbabawal sa open-pipe at maiingay na motor kaya nagtalaga rin ito ng mga checkpoint at pinaiigting ang police visibility sa mga kalsada.

Muli namang nanawagan si Mayor Malapitan sa mga residente na makiisa at ipagdiwang ang pagpasok ng taong 2025 ng ligtas, mapayapa at may malasakit sa kapwa.

FIRECRACKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with