MANILA, Philippines — Patay ang isang 39- anyos na lalaki habang nasa 20 bahay ang natupok matapos na sumiklab ang sunog kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.
Ayon kay Senior Inspector Elyzer Leal ng Bureau of Fire Protection Caloocan, nagsimula dakong alas-3:15 ng madaling araw sa isang three storey residential apartment sa Barangay 118, 4th Avenue, Caloocan City
Sinabi naman ni Christoper Neri, binalikan ng kanyang kapatid ang pera sa nasusunog na bahay at may diperensiya ito sa pandinig kaya posibleng hindi narinig ang kanyang pagsaway.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at aapula makaraang ang dalawang oras responde ng 30 firetrucks.
Tinatayang nasa P200,000 ang halaga ng pinsala ng sunog habang nasa 50 pamilya ang nawalan ng tirahan.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.