Baril ng mga pulis hindi seselyuhan ngayong New Year – NCRPO

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO)Regional Director Brig. Gen. Anthony Aberin na hindi na seselyuhan ang mga baril ng mga pulis sa Metro Manila kaugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Aberin, walong taon nang hindi sineselyuhan ang mga baril ng mga pulis dahil  naniniwala ang PNP na   responsable ang mga pulis sa paghawak sa kanilang mga  service firearms.

Ipinatigil ni dating PNP chief at ngayo’y Senador Ronald Dela Rosa ang ‘muzzling tradition’ noong 2016.

“Naniniwala po ako na sa ngayon ay hindi na yata ng kailangan ng pag-tape ng baril, bagkus, alam po natin na responsable ang members ng NCRPO,” ani Aberin.

Ani Aberin madali naman matukoy at masampahan ng kaso ang sinumang mga pulis na masasangkot sa indiscriminate firing.

Hindi naman kukun­sintihin ng PNP ang mga pulis na masa­sangkot sa krimen lalo pa’t tutok din sila sa internal cleasing.

Nabatid kay Aberin na nasa 10,000 mga pulis ang ikakalat  sa mga vital installation sa Metro Manila kabilang ang terminals, malls at mga simbahan.

Show comments