MANILA, Philippines — Aabot sa mahigit 12,000 na mga pulis ang ikakalat sa Traslacion o Kapistahan ng Poong itim na Nazareno sa January 9, 2025.
Ayon kay Philippine National Police-Public Informstion Office (PNP PIO) Chief PBGen. Jean Fajardo, kailangan na masiguro ang kaligtasan ng lahat na dadalo sa kapistahan partikular ng mga deboto.
Matatandaang isinagawa nitong Biyernes ang final walkthrough sa ruta ng Traslacion 2025 kung saan partikular na ininspeksyon at tinignan ng Manila Police District kung naalis na ang mga sagabal sa ruta ng prusisyon upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga deboto.
Apela rin ng PNP sa publiko na iwasan gumawa ng anumang karahasan at gulo upang maipagdiwang ang Traslacion ng maayos.
Maaalalang, umabot ng halos 3 milyon ang dami ng mga deboto sa Traslacion ngayong taon na tumagal ito ng 15 oras.