Ex-con, todas sa riding-in-tandem
MANILA, Philippines — Patay ang isang ex-convict matapos na pagbabarilin ng suspek riding-in-tandem habang nakatayo,kamakalawa ng gabi sa may Bambang St.Tondo,Maynila.
Idineklarang dead on arrival (DOA) sa Metropolitan Hospital,ang biktimang si Henry Pangilinan,alyas Tutong,at taga 1255-E Bambang St., Brgy. 254, Zone 23, Tondo, Maynila.
Nasawi ang biktima dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos barilin ng suspek na nakasuot ng helmet,kulay itim na long sleeve at naka-backride sa isang Joyride rider.
Nalaman na nakatayo ang biktima sa may Bambang St.nang dumating ang mga suspek at kaagad na pinagbabaril ang biktima at saka tumakas papunta sa direksiyon ng Jose Abad Santos Ave.
Nabatid na ang biktima ay kalalaya lamang sa Manila City Jail noong Oktubre 3,2024 dahil sa kasong paglabag sa RA10591 kilala bilang illegal possession of Firearms.
Samantala,patuloy naman iniimbestigahan ng Manila Police District-homicide, ang motibo ng pagpaslang sa biktima.
- Latest