^

Metro

Imported rice tatanggalan ng brand label - DA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inanunsiyo ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang planong  alisin ang brand labels sa mga imported na bigas kasunod ng mga rek­lamo na ilang negosyante sa industriya ang nagmamanipula sa sistema upang lumobo ang presyo ng bigas at mapagsamantalahan ang mga mamimiling Pilipino.

“Matapos ang ilang pagbisita sa mga palengke, naniniwala kaming  sinasadya ng  ilang traders at retailers  na lituhin  ang mga mamimili  sa mga branded na imported na bigas  upang  mabigyang katwiran  ang mataas na presyo ng bigas,” ayon kay Secretary Tiu Laurel.

Bukod sa pagtatanggal sa brand names, iniutos ni Laurel na alisin ang “premium” at “special” sa imported na bigas, na pinaniniwalaang  ginagamit para maitaas ang presyo.

Hindi naman   saklaw dito ang mga lokal na produktong bigas upang protektahan ang mga Pilipinong magsasaka at traders.

“Ang pag-iimport ng bigas ay hindi karapatan kundi prebelihiyo. Kung hindi susunod ang mga trader sa aming regulasyon ay hindi namin  ilalabas ang permits para sa pag-aangkat ng bigas,” diin ni Laurel

Batay sa datos na nakuha mula sa retailers, traders at importers, dapat ay nasa P6 hanggang P8 mark-up kada kilo lamang ang ipataw sa imported na bigas na sapat ng kita upang mapanatili ang operasyon ng lahat ng partidong may kinalaman sa supply chain.

Inihalimbawa dito ang bigas na binili sa Vietnam sa halagang P40 per kilo, ang consumer price ay hindi dapat na sumobra sa P48 per kilo.

Ikinunsidera rin  ni Secretary Laurel ang ilang  mga hakbang upang matugunan ang problema sa pabagu-bagong presyo ng bigas, kabilang na rito ang panawagang  food security emergency sa ilalim ng  inamiyendahang Rice Tariffication Law, upang  payagang mailabas ang  reserba mula sa National Food Authority at mapatatag ang presyo.

Pinag-iisipan ng kalihim ang opsiyon na payagan ang mga korporasyon ng gobyerno tulad ng Food Terminal Inc. na mag-import ng malaking volume upang direktang makipagkumpetensiya sa mga pribadong importer, at inatasan ang legal division na pag-aralan kung ang mga probisyon sa Consumer Price Act ay maaaring gamitin  upang ipantapat laban sa profiteering.

 

RICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with