^

Metro

Chaplain ng PCG nabiktima ng ‘Bukas-Kotse’ sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 20-anyos na tumangay ng malaking halaga ng pera, cellphone at iba pang mahahalagang gamit ng chaplain ng Philippine Coast Guard (PCG) nang makatulog sa kaniyang sasakyan na ipinarada pansamantala sa lay-by ng Roxas Boulevard, sa Pasay City, nitong Disyembre 25.

Kinilala ang suspek na si alyas “Joseph”, ng Malate, Maynila.

Nabatid na idinulog ni alyas “Alvin”, ang pagkawala ng kaniyang Huawei Smartwatch, ?200,000.00 na cash, tactical bag, cellular phone, at iba pang mahahalagang gamit sa loob ng kaniyang kotse noong Dis. 24 sa lay-by ng Roxas Boulevard.

Reklamo ng biktima, habang nasa loob siya ng sasakyan na pansamantalang ipinarada sa tabi upang magpahinga ay nakatulog siya at nang magising ay nakitang nakabukas na ang sasakyan at wala na ang kaniyang mga gamit at bag na naglalaman ng pera.

Agad nagsagawa ng backtracking ang Pasay City Police at nakita sa CCTV footage ng barangay na nakasasakop ang suspek.

Sa imbestigasyon, nadiskubre na ang suspek ay pakalat-kalat sa lugar para maisagawa ang modus na “Bukas-Kotse” hanggang sa may nagbigay ng tip kung saan siya matatagpuan.

Nakipag-ugnayan ang Pasay Police sa Manila Police District sa isinagawang follow-up operation alas-7:00 ng gabi ng Dis. 25 at humantong sa pagdakip sa suspek.

Nabawi ang mga ninakaw na gamit subalit ang pera na P200,000.00 ay P5,100.00 na lang ang narekober.

Kinumpiska ang bisikleta ng suspek na gamit niya sa paggawa ng krimen, itim na long-sleeve shirt at tsinelas na may kumbinasyong puti at itim na suot ng suspek na nakita sa CCTV footage.

Sinampahan ng reklamong Theft ang suspek sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Iniimbestigahan din ng pulisya kung may iba pang katulad na kasong sangkot ang suspek.

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with