P1 milyong shabu at marijuana, nasabat
2 bigtime ‘tulak’, timbog
MANILA, Philippines — Nalambat sa dalawang high value individual ang halos P1-milyong halaga ng marijuana-laced vapes sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Makati City, Lunes ng hapon.
Sa ulat ng Makati City Police Station, nadakip ang mga suspek na sina alyas “Raprap”, 22-anyos at alyas “Abo”, 27-anyos, ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), na inalalayan ng San Isidro Sub-station.
Dakong alas-3:45 ng hapon ng Disyembre 23, 2024 nang masakote ang dalawang suspek sa Barangay Pio Del Pilar, Makati.
Nasamsam ang kabuuang halagang ?974,000.00 sa pinagsamang 85 gramo ng shabu na may standard drug price na ?578,000.00 at 165 gramo ng marijuana (Kush) na nagkakahalaga ng ?247,000.00
Bukod pa rito ang nasamsam din ang mga disposable vape pens na naglalaman ng marijuana/cannabis oil mula sa 5 cookies cotton candy flavor, siyam na cookies apple fritter at iba pang uri ng marijuana-laced vape pens na may cookies blueberry, Strawberry kush, at Himalayan Gold, sa kabuuang street value na ?148,500.00
Kinumpiska naman ang isang Samsung cellular phone, 8 ?1,000 boodle money, isang genuine ?1000 bill na ginamit sa buy-bust operation, isang plastic parcel, 9 na pitong tabletas na hinihinalang isang uri rin ng iligal na droga, at sasakyan ng mga suspek na isang Toyota Innova.
Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ang mga suspek sa Makati City Prosecutor’s Office sa reklamong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
- Latest