‘3K’ pinaalala ng Malabon LGU ngayong Pasko

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang mga Malabuenos na isipin ang 3K ngayong Pasko na kinabibilangan ng ‘Kalinisan, Kaayusan, Kalusugan’.

Ayon kay Sandoval, naglabas na sila ng abiso sa mga barangay na ipatupad ang ‘3K’  upang masiguro na malusog pa rin ang mga Malabueños sa kabi-kanilang mga pagkain at mga pa-games.

Sinabi ni Sandoval na inaasahan ang mga  maiiwang kalat at ba­sura sa iba’t ibang lugar kasama na ang mga pangunahing daanan at mga pasilidad kung saan isinagawa ang mga pagdiriwang.

Ngayong taon, umaasa siyang mai­pagdiriwang ang Pasko ng malinis at maayos.

Nakahanda rin ang Malabon LGU  na  bantayan at panatilihin ang kalusugan at kapakanan ng bawat  Malabueño.

Samantala, sinabi rin ni Sandoval na  na umaabot sa  higit 10,000 sako ng basura ang nahahakot kada buwan.

Sa pamamagitan ni City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Officer-in-Charge Mr. Mark Mesina, hinikayat ang nasa 21 barangays na panatilihin ang kalinisan.

Show comments