Pasig River Ferry, number coding suspendido - MMDA
MANILA, Philippines —Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang operasyon ng Pasig River Ferry sa apat na araw na deklaradong holiday sa bansa.
Sa isang post sa Facebook, sinabi ng ahensya na suspendido ang mga operasyon sa Disyembre 24, 2024, special non-working holiday; Disyembre 25, 2024, regular holiday; Disyembre 30, 2024, regular holiday; at Enero 1, 2025, regular holiday.
Kabilang din sa abiso sa publiko na limitado lamang sa kalahating araw ang operasyon sa Disyembre 31, na isang special non-working day.
Regular naman ang operasyon sa Disyembre 23, 26, 27, at 28.
Una nang nag-abiso sa FB ang MMDA na suspendido rin ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa Metro Manila.
Wala namang number coding bukas, Disyembre 24; Miyerkules, Dis. 25 Araw ng Pasko; Lunes, Dis. 30, Rizal Day; Miyerkules, Enero 1, 2025, Bagong Taon.
Paalala pa ng MMDA sa mga motorista na isipin ang kaligtasan at pagiging responsable sa daan ngayong holiday season.
- Latest