^

Metro

218K pasahero sa 1 araw

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Record breaking sa PITX..

MANILA, Philippines — Nagtala ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ng record breaking na 218,000 na pasahero sa loob ng isang araw at  nalagpasan na ang pinakamataas na bilang noong Disyembre 23 noong nakalipas na taon.

Sinabi kahapon ni PITX corporate affairs officer Kolyn Calbasa na ­inaasahan nila na mas marami pang pasahero ang maitatatala hanggang sa ngayon Lunes.

“Ang last count natin, 218,000 just…Saturday alone. That’s record-breaking for us kasi ang last na pinaka-highest namin ever is ito na, ‘yung 204,000 nu’ng December 23 last year,” ani Calbasa sa panayam ng Super Radyo dzBB nitong Linggo.

Inaasahan na marami pang hahabol ngayong araw na makauwi sa kanilang probinsiya.

Sa sobrang dami ng bugso ng pasahero, nagdagdag pa ng bus trips ang mga patungong Bicol region dahil sa kapansin-pansin ang napakahabang pila sa Bicol trips sa kabila ng fully-booked na ang mga biyahe hanggang Disyembre 24.

Hindi aniya, mapipigilan ang mga pauwi ng Bicol region sa kabila ng mga ulat na ilang oras ang delay sa pagbalik ng mga bus  sa PITX dahil sa nararanasang mahabang oras na nababalam ang mga ito sa napakabagal na daloy sa mga kalsadang nasira sa epekto ng mga nagdaang bagyo.

Nagtitiyaga aniya, ang mga pasahero pa-Bicol kahit pawang chance passengers lang sila.

PITX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with