^

Metro

Pulis, tinutukan ng baril 2 negosyante, GF sabit

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nahaharap nga­yon sa kasong grave threats  ang isang  pulis matapos na umano’y tutukan ng baril ang dalawang negos­yante nang makaalitan ang umano’y girlfriend ng una sa isang bar sa Quezon City kamaka­lawa ng madaling araw.

Kapwa nasa kustodiya na ng pulisya sina Pat. Nelson Morrondoz, Jr., 26 at kasintahang si Trisha Bocalbos, 18, receptionist.

Batay sa report, nangyari ang insidente dakong alas-4:50 ng madaling araw nitong Sabado sa harap ng  Adrenaline Bar and Club 33 Scout Borromeo St, Diliman, Brgy. South Triangle, Quezon City.

Nabatid na palabas na ng nasabing bar a ng mga biktimang sina “Chester”, 23 at  “Charles”, 38, nang dumaan si Bacolbos sa hallway na sinasabing lasing.

Binangga ni Bacolbos sina “Chester” at “Charles” at pinagtutulak hanggang sa makalabas ng bar na humantong sa pagtatalo.

Nakita naman ni Morrondoz ang komosyon at bumaba ng kotse at lumapit sa mga biktima.

Dito na tinutukan ng baril ni Morrondoz ang mga biktima na agad namang naawat  ng  boun­cer na si Gino Santos.

Agad namang rumes­ponde ang mga pulis na sina Pat. Marvin Prado at Pat . Melvijohn Julong at binitbit ang kanilang kabaro at kasintahang si Bacolbos. Sasampahan ng kasong physical injury si Bacolbos.

Kinumpiska ng mga pulis ang isang baril na Canik TP9 na may bea­ring serial No. T6472-19BG19801.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

NELSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with