3 araw bago ang Pasko
MANILA, Philippines — Tatlong araw bago mag-Pasko, asahan na ang mas matinding pagsisikip ng trapiko bunsod ng papasok at paglabas ng mga sasakyan sa Metro Manila.
Ito naman ang sinabi ni Alex Yague ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines, karaniwang nangyayari ito dahil sa pagbabakasyon sa mga lalawigan para sa selebrasyon habang ang iba naman ay paluwas sa mula sa probinsya upang sa Metro Manila ipagdiwang ang pinakahihintay na okasyon para sa mga pasyalan at pagbisita sa mga kaanak.
Kabilang din sa dahilan ng pagbigat ng trapiko ang mga nire-repair na kalye. widening sa expressway na nagpapalala sa haba ng oras ng biyahe at nagreresulta sa pagka-delay ng return trips.
Kinumpirma rin ng Robin Ignacio, head of NLEX Traffic Operations Department,na alas-5:00 ng umaga nitong Sabado ay mabagal na ang daloy ng mga sasakyan simula pa lamang sa Balintawak Toll Plaza hanggang Valenzuela Area, na unti-unting nagbabago at pabugso-bugso na lamang habang lumalakad ang oras dahil wala nang road works at marami nang umaalalay na NLEX personnel sa mga motorista.
Sa panig naman ng San Miguel Corp., muling magpapatupad ng libreng toll fees sa Skyway System, NAIA Expressway (NAIAX), South Luzon Expressway (SLEX), STAR Tollway, Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) para sa mas mabilis na pagdaan sa toll gates.
Ipatutupad ito simula alas-10 ng gabi ng Disyembre 26 hanggang ala-6 umaga ng Disyembre 25 , at sa parehong oras din sa Disyembre 31 hanggang Enero 1, 2025.
Sa panig naman ng Manila International Airport Authority, sinabi ni MIAA General manaher Eric Ines na nasa mahigit 155,000 na ang bumibiyahe kada araw simula noong nakalipas na linggo, papasok at palabas ng bansa.
Maging ang New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC), ang operator of Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay handang-handa sa holiday rush kasama pa ang itinayongt 24/7 health desks para sa mga pasahero.