MANILA, Philippines — Nilamon ng apoy ang barracks ng mga truck driver at pahinante sa Brgy. Maybunga, Pasig City nitong Biyernes ng madaling araw.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa gawa ang barracks sa light materials
Tinatayang nasa siyam na fire truck ang rumesponde sa nasabing sunog.
Samantala, nakaligtas naman ang anim na truck driver at pahinante na natutulog sa barracks.
Nagsisiyasat pa ang BFP, sa sanhi ng sunog bagamat isa sa mga tinitignan ay ang electrical wiring.