^

Metro

Driver ng SUV patay sa araro ng dump truck

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang driver ng SUV habang sugatan ang apat pa nang araruhin ng dump truck sa C5 Road southbound, malapit sa Palar Tunnel, sa Taguig City, Huwebes ng gabi.

Inaalam pa ang pagkilanlan ng nasawing driver ng isang Toyota Innova na kulay silver.

Sugatan naman magkaangkas sa motorsiklo, driver ng Ford Everest na si alyas “Renerio”, isang alyas “Noel” na driver din ng kotse at alyas “Jo Carissa” ng isang kulay pulang MG.

Arestado naman ang driver ng 22-wheeler SinoTruck na si alyas “Alex” na nakatakdang sampahan ng reklamong Reckless Imprudence Resulting to Homicide with Physical Injury and Damage to Property sa Taguig Prosecutor’s Office.

Sa ulat ng Taguig Police, alas-8:30 ng gabi nitong Huwebes nang maganap ang insidente sa northbound lane ng C5 Road, sa Barangay Pinagsama, Taguig.

Lumilitaw na binabagtas ng dump truck ang C5 Road northbound sa Brgy. Pinagsama nang araruhin ang Toyota Innova,Ford Everest, MG at motorsiklo, na nasa opposite lane o southbound lane.

Nakatulog diumano ang driver ng truck kaya napunta sa kabilang linya at nabangga ang mga nabanggit na sasakyan.

Dahil sa impact, naipit ito sa truck at mga puno ang SUV dahilan upang magtamo ng matinding pinsala ang driver na sanhi ng kagyat niyang kamatayan.

Kinailangan pang gamitan ng crane at boom truck ang truck upang matanggal sa pagkakaipit ang biktima.

Nabalian naman ng buto sa paa at likod ang apat pang mga biktima.

SUV

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with