P63 milyong shabu nasabat sa NAIA, African timbog

Stock image of methamphetamine.

MANILA, Philippines — Isang babaeng South African ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement ­Agency (PDEA) makaraang tangkaing ipasok ang nasa P63 milyong halaga ng illegal drugs kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Pasay City.

Sa report ng PDEA, bandang alas-10:50 ng gabi nang maharang ng mga tauhan ng NAIA Inter-agency Drug Interdiction Task Group sa Terminal 3 ang dayuhan na mula sa Zambia, South Africa na hindi na pinangalanan.

Nakuha sa suspek sa luggage ng dayuhan ang nasa 9,276 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P63,076,800.00, cellphones, travel documents at ilang mga identification cards.

Nahaharap naman sa paglabag sa Republic Act (RA) 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) ang suspek.

Show comments