BSP nagbabala laban sa text hijacking
MANILA, Philippines — Naglabas kahapon ng advisory ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kung saan pinag-iingat ang publiko laban sa “text hijacking” ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Nakasaad sa advisory ng BSP, na ang text hijacking ay isang modus kung saan gumagamit ang fraudsters ng lehitimong text message conversations para palabasing safe ang kanilang mga mensahe sa pamamagitan ng pakikihalubilo sa ibang messages mula sa pinagkakatiwalaang source para makapag-send ng malicious texts.
Nagpapataas aniya, ito ng tiyansa para maipadala ang smishing attacks dahil lumalabas na galing ito sa lehitimong sender.
Sinabi ng BSP na ang mga suspek sa likod ng text hijacking ay gumagamit ng mga device na nagbo-broadcast ng mas malakas na signal kaysa sa mga kalapit na lehitimong cellular tower.
Sa pamamagitan nito ay nalilinlang sa pamamagitan ng pagkonekta sa mga telepono sa isang lugar sa halip na sa totoong network, sa layuning makakuha ng hindi awtorisadong access sa financial accounts ng kanilang mga binibiktima.
Payo ng BSP, huwag mag-click sa anumang links na ipinadadala sa pamamagitan ng text messages.
Aminado naman ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na hindi pa rin naalis ang mga text scams sa kabila ng umiiral na SIM Registration law.
- Latest