CIDG isinampa kasong cybercrime vs Chinese spy
MANILA, Philippines — Sinampahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Quezon City Prosecutors Office ng paglabag sa cybercrime laws ang Chinese national na pinaghihinalaang spy na naaresto nitong Mayo sa Makati City.
Ayon kay CIDG chief Brig. Gen. Nicolas Torre III, paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act ang isinampa laban kay Yuhang Liu kasunod ng testimonya ng mga complainant at saksi. Aniya, sa patuloy na pagtaas ng cyber threats, prayoridad nila ang kaligtasan ng publiko online.
Matatandaang si Liu ay naaresto sa panulukan ng Finlandia Street at C inodornico Street sa Barangay San Isidro, Makati City.
Ang pagdakip kay Liu ay nag-ugat sa reklamo ng isang complainant na umano’y hinaharas at tinatakot ng suspek sa pamamagitan ng communication hacking devices.
Nabatid na inilagay ang mga equipment sa ilang mga vital installations upang ihack ang mga cellphones. Nakitaan din ng CIDG ang suspek ng baril ng walang kaukulang papel.
Nasamsam din sa bahay ng suspek ang inverter unit, aerial drone, computer keyboard, CPU units, portable power supply hubs, several IDs, at cash.
- Latest