Pagrepaso sa local source codes para sa 2025 NLE, pinalawig ng Comelec sa Enero 2025

MANILA, Philippines — Pinalawig ng Commission on Elections (Comelec) hanggang sa Enero 2025 ang isinasagawang pagrepaso sa local source codes para sa 2025 National and Local Elections (NLE).

Nabatid na ang source codes ang siyang nagsisilbing utak na magbibigay ng instruksiyon sa automated counting machines (ACMs) upang maisagawa ang mga functions nito para sa araw ng halalan.

Sa isang memorandum na inisyu ng Comelec, inaprubahan ni Comelec chairperson George Erwin Garcia ang hiling ng local source code review (LSCR) committee na ekstensiyon para sa pagsasagawa ng mas masu­sing rebyu sa systems at source codes na gagamitin sa midterm polls.

“Consequently, the undersigned favorably endorses the request for your Honor’s approval to extend the LSCR until January 2025,” bahagi ng memo.

Nauna rito, sinabi ni LSCR committee chief John Rex Laudiangco na mahalaga ang pagpapalawig sa rebyu dahil ang source codes na nirerepaso nila ay hindi pa secured versions ng sistema na para sa final trusted build.

Nag-imbita rin umano sila ng mga estudyante sa mga unibersidad na mag-tour sa LSCR facility para sa higit pang transparency at awareness sa gagamitin nilang teknolohiya.

Show comments