^

Metro

P15 milyong illegal drugs nasabat, mag-live in partner timbog sa Navotas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
P15 milyong illegal drugs nasabat, mag-live in partner timbog sa Navotas
Ang mag-live in partner na nadakip ng Navotas City Police at nakuhanan ng higit P15 milyong halaga ng shabu habang nakamasid sina Mayor John Rey Tiangco at PCol. Mario Cortes.
CTTO

MANILA, Philippines — Arestado sa mga tauhan ng Navotas City Police ang isang Chinese national at live-in partner nito sa isang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakasabat sa  higit P15 milyong halaga ng iligal na droga kahapon ng umaga sa Navotas City.

Nakapiit na at sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale) at Section 11 (Possession of Dangerous Drug), Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na sina RongShi, 40, alyas William at Rose Martinez, 28, kapwa residente ng  Brgy. Manganvaka, Subic Zambales.

Batay sa tinanggap na report ni Navotas City Police chief PCol. Mario Cortes, isinagawa ang buybust operation bandang alas-6:16 ng umaga sa Road 10, Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN) kung saan nakuha sa mga suspek ang  apat na malalaking zip-lock bag na naglalaman ng white crystalline na pinaniniwalaang shabu, thermal insulated tote bag,  digital weighing scale, dalawang heat-sealed sachets ng  shabu, cellphone, isang  Honda Jazz vehicle, at marked money na ginamit  sa operasyon.

Nabatid kay Cortes na ang operasyon ay  kasunod ng impormasyon  mula sa confidential informant na magkakaroon ng  transaksiyon ang mga suspek. Agad nagsagawa ng beripikasyon ang mga pulis hanggang sa  ikasa  ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni  PCpt Luis Rufo, Jr. at PCpt. Gregorio Cueto katuwang  ang  CID-IG sa pamumuno ni PCpt. Felcerfi Simon sa nabanggit na address.

Nagsilbing poseur-buyer si PSSg Flosine-Mar Nebre na bumili ng ?120,000.00 halaga ng shabu sa mga suspek hanggang sa ibigay  ang hudyat. Hindi na nakapalag pa ang mga suspek.

Ayon naman kay Mayor John Rey Tiangco ang pagkakasamsam ng  mga droga ng Navotas Police ay indikasyon na puspusan ang kanilang kampanya laban sa iba’t ibang krimen partikular sa bentahan ng  iligal na dorga.

Pinuri ni Tiangco ang  mga pulis sa mabilis na pag-aksiyon.

“Ang tagumpay na ito ay dahil sa suporta at malasakit ng bawat isa. Patuloy po nating bantayan ang ating komunidad at mag-report sa mga kahina-hinalang aktibidad. Sama-sama nating labanan ang droga,” ani Tiangco.

Hinikayat ni Tiangco ang mga  Navoteños  na ireport sa kanila ang mga kahina-hinalang  kilos o anumang  gawain sa kanilang lugar.

Maaari ito ireport official city social media platforms o sa TXT JRT platform: Globe: 0917-521-8578, Smart: 0908-886-8578 at  Sun: 0922-888-8578.

ARRESTED

DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with