Manila LGU namahagi ng cash gift sa mga graduating students ng UDM at PLM
MANILA, Philippines — Nakatanggap ng cash gift mula kina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang libu-libong graduating students mula sa mga unibersidad na pinatatakbo ng lungsod.
Nabatid na ang mga student-recipients, na magsisipagtapos mula sa Universidad de Manila (UdM) at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), ay tumanggap ng tig- P2,000 bilang graduation gift.
Ayon kay Lacuna, nasa 1,817 ang beneficiaries mula sa UDM habang 3,772 naman ang mga mula sa PLM.
Sa idinaos na Ceremonial Graduation Cash Gift distribution para sa graduates ng UDM kung saan nakasama niya si UdM President Dr. Felma Carlos-Tria, nanawagan si Lacuna sa mga estudyante na gawing proud ang kanilang mga magulang sa pamamagitan nang pag-excel sa anumang landas na kanilang tatahakin.
Binati rin niya ang mga ito sa matagumpay nilang pagtatapos.
- Latest