MANILA, Philippines — Isang babaeng pasahero na Chinese na patungong Hong Kong ang hinarang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, nang matuklasang may bitbit na 40,000 US dollar o P2-milyon ayon sa ulat kahapon ng Office for Transportation Security (OTS).
Nabatid na nagsasagawa ng security check ang mga tauhan ng OTS at Bureau of Customs (BOC) noong Disyembre 13, 2024 ang mapansin ni OTS Intelligence Agent Aide Janice Acuña ang pera na nakalagay sa magkabilang bulsa ng pasaherong Chinese national.
Dinala ang babaeng pasahero sa airport authorities at ang excess na perang dala nito, na ipinagbabawal.
Ito ay sinasabing paglabag sa alituntunin sa paglilipat ng cross-border ng mga lokal at dayuhang pera, na maaring pagpasok o maglabas sa bansa ng hanggang P50,000 lamang.