Higit P1 milyong ‘tobats’ nakuha sa ‘tulak’ sa sementeryo

Kinilala ang suspek na si alyas “Bricks”, high value individual, 24 anyos, residente ng Leo­nardo St., Barangay 61, Pasay, na nakumpiskahan ng nasa 200 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P1,360,000.00.
STAR/File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang umano’y tulak ng iligal na droga na naglulungga sa isang sementeryo, sa Pasay City, bago mag­hatinggabi ng Sabado.

Kinilala ang suspek na si alyas “Bricks”, high value individual, 24 anyos, residente ng Leo­nardo St., Barangay 61, Pasay, na nakumpiskahan ng nasa 200 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P1,360,000.00.

Sa ulat kay Southern Police District (SPD) Director P/Brigadier General Bernard Yang, isinagawa ang buy-bust operation alas-11:55 ng gabi ng Dis­yembre 14, sa main gate ng Roman Catholic Ce­metery na matatagpuan sa Arnaiz Avenue, Barangay 120, Pasay City.

Pinangunahan ng SPD-District Drug Enforcement Unit na pinamunuan ni P/Major Ceci­lio Timas Jr. , kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency-Southern District Office, District Investigation Division, District Special Operation Unit, District Mobile Force Battalion ng SPD at Station Drug Enforcement Unit, Sub-Station 4 ng Pasay City Police Station, ang matagumpay na operasyon.

Kinumpiska rin ang Realme mobile phone ng suspek na ginamit sa transaksyon sa nagpanggap na buyer para gami­ting ebidensya, bukod sa iligal na droga at buy-bust money sa isasampang paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002).

Show comments