^

Metro

2 tiklo sa entrapment, high-powered firearms nasamsam

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawa sa apat na pakay ng mga awtoridad ang naaresto sa entrapment operation ng iligal na pagbebenta ng mga baril matapos masamsam ang ilang matataas na kalibre ng armas at iba’t ibang uri ng bala, sa Muntinlupa City kamakalawa ng hapon.

Sa ulat mula sa tanggapan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Brigadier General Anthony Aberin, ang dalawang suspek na hindi pina­ngalanan ay dinakip ng mga operatiba ng Regional Special Operations Group (RSOG) sa Barangay Poblacion, Muntinlupa City alas-3:50 ng hapon ng Disyembre 14.

Dalawa pang suspek ang tinutugis sa ikinasang hot pursuit operation.

Narekober ang 4 na piraso ng Bushmaster rifles (Caliber 5.56mm), isang DPMS Panther Arm (Caliber 5.56mm), isang M16 upper and lower receiver, isang converted air gun (Caliber .22), assorted gun parts, at mga bala.

Narekopber sa mga suspek ang isang genuine P1,000 bill at 299 piraso ng boodle money na tig P1,000.

“This operational success highlights our unwavering commitment to safeguarding our communities in preparation for the 2025 National and Local Elections. Through the principles of AAA Policing—ABLE, ACTIVE, and ALLIED— strict adherence to police operational procedures, we will continue to uphold the highest standards of law enforcement to ensure a safer and more secure Metro Manila,” ani Aberin.

MUNTINLUPA CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with